Pag-delete ng Netflix account mo

Standard practice naming automatic na mag-delete ng mga Netflix account 24 na buwan pagkatapos ma-cancel ang membership. Para i-request na mas maagang ma-delete ang na-cancel mong Netflix account, sundin ang steps ayon sa device na ginagamit mo.

  • Kapag na-delete ang account mo, permanente ka nang mawawalan ng access sa activity at preferences mo sa account at marami pa.

  • Kung sa tingin mo, posibleng gustuhin mo pang gamitin ang account mo sa hinaharap, puwedeng i-cancel mo na lang ito. Kapag na-cancel ang membership mo at bumalik ka sa Netflix sa susunod na 24 na buwan para i-restart ang membership mo, nariyan lang ang mga profile mo, preferences sa panonood, at iba pa.

Ilang bagay na dapat tandaan kung magdesisyon kang i-delete ang Netflix account mo:

  • Kung active ang membership mo, maka-cancel ito sa katapusan ng kasalukuyang billing period at permanenteng made-delete ang account.

  • Puwede mong i-undo ang request mo para sa pag-delete sa Account page kahit kailan bago ang katapusan ng kasalukuyan mong billing period.

  • Kapag permanente nang na-delete ang account mo, kailangan mong mag-sign up para sa bagong account para makapag-Netflix ulit

Para sa impormasyong kaugnay ng pagpapanatili ng ilang partikular na impormasyon na naaayon sa batas, basahin ang “Pagpapanatili ng Impormasyon” sa page na Pag-delete, pag-alis, at pagpapanatili ng impormasyon.

Tingnan ang help page ng Privacy at Seguridad namin para sa impormasyon tungkol sa iba pang paksa.

Mga Kaugnay na Article